Sa adhikain ni Mayor Alice na makapaghatid ng pagasa sa ating mga kababayan, pinangunahan niya ngayong araw ng September 20 ang pamimigay ng assistive devices at personal na kinumusta ang mga benepisyaryo.

Bilang isa ring doktor, nagsagawa ang butihing ina ng bayan ng karagdagang pagsusuri sa pisikal na kalagayan ng mga pasyente. Ito ay isa lamang sa kanyang mga adbokasiya sa pagdadala ng tunay na serbisyong publiko sa mga mamamayan ng San Nicolas.

Sa kabuuan, limang pasyente ang nabigyan ng assistive devices at nabisita ni Mayor Alice; isa mula Camangaan, isa sa Lungao, isa sa Salingcob, isa sa Cacabugaoan, at isa mula sa Siblot. Sila ay binigyan din ng payo at mga gamot dahil sa kani-kanilang iniindang sakit sa katawan.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil nabigyan sila ng wheelchair, walker, saklay, at tungkod na kanilang magagamit sa kanilang pang araw-araw. Ngiti ang sumalubong at yakap naman ng pagmamahal ang ipinabaon kay Mayor Alice sa kanyang pagbisita.

Ang aktibidad na ito ay naging isang tatak na sa pamamahala ni Mayor Alice. Ang ganitong klase ng serbisyo ay nagbibigay pag-asa sa mga mamamayang nahihirapang tumayo at maglakad na humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan.

#PagmamahalAtHatidNaTulong

#BringingTheGovernmentCloserToThePeople

#FiveAssistiveDevicesDelivered

#MayorAliciaPrimiciasEnriquez

#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

wpChatIcon
wpChatIcon