Sa pangunguna ni Mayor Alice nang magsama-sama ang lahat ng department heads sa Function Hall ng Mayor’s Office upang talakayin at paghandaan ang compliance sa mga kinakailangan para sa Seal of Good Local Governance. Matatandaang nakatugon sa matinding mga pamantayan ng Department of Interior and Local Government ang bayan ng San Nicolas kung kaya’t nasungkit nito ang nasabing karangalan.