Dahil hindi lang sa loob ng klasrum natututo ang mga bata, nagsagawa ng Lakbay-Aral ang mga mag-aaral ng Kingsville Advanced School of San Nicolas sa iba’t ibang lugar sa bayan kabilang na ang Municipal Library, Marso 22.

Sa pangunguna nina School Director Dr. Bibsy Bagasan-Albitos,School Head Leslie F. Loyola, at Kingsville facilitators, nagkaroon ng kakaibang karanasan ang 17 preschool at 25 grade school pupils habang personal na nakikita ang mga lugar na pinag-aaralan o tinatalakay sa loob ng kanilang paaralan.

“Nakatutuwang makita ang mga batang mag-aaral na hinuhubog ang kaalaman sa paglabas mula sa kanilang “shell” dahil totoo nga namang marami tayong natutunan sa labas ng paaralan o komunidad,” saad ni Mayor Alice.

#Kingsville#LakbayAral#EducationalActivity#MunicipalLibrary#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *