Sa adhikain na mabukanahan ang lahat, muli pong magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas ng pagbabakuna bukas, Miyerkules, ika-29 ng Disyembre na gaganapin sa Municipal Gymnasium. Narito po ang iskedyul:

December 29 2021 | Wednesday

SECOND DOSE AND BOOSTER SHOTS

For adult population (18 y/o and above)

6:00 AM – 12:00 NOON

FIRST DOSE

For adult population (18 y/o and above) and pedia population (12-17 y/o)

12:00 NOON – 4:00 PM

Tanong:

Ano ang mga kailangan dalhin para sa 2nd dose vaccination ng adult population (18 years old and above)?

Sagot:

Dalhin ang vaccination card kasama ng isang government-issued ID na may address na San Nicolas. Kung wala namang VALID ID, maaring kumuha ng Voter’s Certificate sa COMELEC.

Tanong:

Sinu-sino ang maaaring magpabakuna ng booster shots at ano ang kailangang dalhin?

Sagot:

Lahat ng residente ng San Nicolas na lagpas tatlong buwan na ang kanilang second dose o lagpas dalawang buwan na ang kanilang single dose (para sa mga nabakunahan ng Janssen). Magdala lamang ng isang VALID ID at huwag ding kakalimutang dalhin ang inyong vaccination card.

Sinovac  At least 3 months  Sinovac/Astrazeneca/Pfizer/Moderna

Astrazeneca  At least 3 months  Astrazeneca/Pfizer/Moderna

Pfizer  At least 3 months  Pfizer/Astrazeneca/Moderna

Moderna  At least 3 months  Moderna/Astrazeneca/Pfizer

Sputnik V  At least 3 months  Astrazeneca/Pfizer/Moderna

Janssen  At least 2 months  Astrazeneca/Pfizer/Moderna

Tanong:

Ano ang mga kailangan dalhin para sa 1st dose vaccination ng adult population (18 years old and above)?

Sagot:

Magdala lamang ng isang government-issued ID na may address na San Nicolas. Kung wala namang VALID ID, maaring kumuha ng Voter’s Certificate sa COMELEC.

Tanong: Ano ang mga kailangang dalhin para sa 1st dose vaccination ng pediatric population (12 to 17 years old)?

Sagot:

1. Original and photocopy ng Birth Certificate ng bata (PSA or Certificate of Live Birth);

2. Original and photocopy ng valid ID ng parent or guardian;

3. Original and Photocopy ng kahit anong ID ng bata. Kung walang ID ang bata, kumuha lamang ng Certificate of Residency sa inyong Kapitan;

4. Kung hindi parent/magulang ang kasama, kailangan ding kumuha ng Certification galing kay Kapitan na kayo ay LEGAL GUARDIAN ng bata.

Huwag nang palampasin pa ang pagkakataong ito. Tara na’t magpabakuna para protektado ang sarili, pamilya at buong komunidad!

Maraming salamat po.

~DRA. ALICE L. PRIMICIAS-ENRIQUEZ

#ToHerdImmunityAndBeyond#WeHealAsOne#LetUsPutAnEndToThisPandemic

#MayorAlicePrimiciasEnriquezYourPublicServant

#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *