Wagi ang kailian nating si 𝐄𝐫𝐢𝐜𝐬𝐨𝐧 “𝐄𝐁𝐎𝐘” 𝐒𝐚𝐛𝐢𝐧𝐚𝐲 sa 𝐔𝐃𝐎 𝐀𝐬𝐢𝐚-𝐏𝐚𝐜𝐢𝐟𝐢𝐜 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 𝟐𝟎𝟐𝟒 na ginanap sa 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐒𝐫𝐢 𝐑𝐚𝐜𝐡𝐚, 𝐂𝐡𝐨𝐧𝐛𝐮𝐫𝐢, 𝐓𝐡𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐝.

Tubong Brgy. Siblot ang 20-anyos na si Eboy at parte ng grupong Distrotion Family. Kahit alam niyang suntok sa buwan, nagpursigi siyang linangin ang kaniyang kakayahan sa pagsasayaw at hindi niya inaasahang makararating siya sa ibang bansa upang maipagmalaki ang galing at husay ng San Nicolanians.

Dahil nakamit niya ang ikalawang gantimpala sa 1VS1 Open-Style Battle, mabibigyan si Eboy ng pagkakataong makatungtong sa World Championships ng UDO Street Dance sa United Kingdom. Hiling niya’y muli siyang suportahan ng kaniyang mga kailian sa laban niyang ito.

Pagbati, Eboy! Dayaw ka iti Ili a San Nicolas!

#DayawTiIli#Balligi#CongratulationsEboy#SupportLocalPerformingArtists#UDOAsiaPacificChampionship#MayorAliciaPrimiciasEnriquez#MayorAliciaPrimiciasEnriquezYourPublicServant#SanNicolasPangasinanMyHomeMyPride

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *